Connect with us

COVID-19 positive na inilipat sa NBP, hindi pa aprubado ng DOJ

Nakahanda ng ilabas ng Bureau of Corrections(BuCor) ang talaan o impormasyon kaugnay sa mga namatay na mga inmate sa gitna ng pandemya.

COVID-19 UPDATES

COVID-19 positive na inilipat sa NBP, hindi pa aprubado ng DOJ

Nilinaw ngayon ni Justice Secretary Menardo Guevarra na sariling desisyon ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag na ilipat sa New Bilibid Prisons (NBP) Quarantine Facility ang 18 anyos na babeng preso ng Correctional Institute for Women (CIW) na nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Dahil dito ay lumilitaw na walang basbas o hindi pa pala aprubado ng Department of Justice (DOJ) ang desisyon ni Bantag na ilipat sa NBP ang bilanggo.

Gayunman ay naniniwala si Guevarra na posibleng nakita ni Bantag na masyadong maliit ang quarantine facility sa CIW at imposibleng maipatupad ang social distancing habang ginagamot ang nasabing mga babaeng bilanggo kaya bigla itong nagdesisyon na ilipat nalang ito sa NBP.

Ipinaliwanag pa ni Guevarra na nalaman na lang niya ang pangyayari matapos mailipat sa NBP 18 anyos na preso.

Samantala naka-quarantine naman ngayon sa CIW Quarantine Facility ang isang empleyado ng NBP na nagpositibo sa COVID-19, habang ang isa pang inmate na unang nasuring COVID-19 positive ay nasa isang pribadong ospital at unti-unti nang nakaka-recover.

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top