Connect with us

COVID-19 testing capability ng Pilipinas, palalakasin sa pagdating ng $2.5M-lab equipment

National News

COVID-19 testing capability ng Pilipinas, palalakasin sa pagdating ng $2.5M-lab equipment

Ngayong araw nang dumating sa Shenzhen, China ang C130 ng Philippine Air Force para dalhin pabalik ng Pilipinas ang biniling BGI COVID-19 lab equipment.

Nabili ng pamahalaan ang naturang makabagong kagamitan sa tulong ng grant assistance mula sa Asian Development Bank.

Ayon sa Department of Health, ang naturang lab equipment ay may kakayahan na makapagsagawa ng hanggang 45,000 test.

Inaasahang mapapalakas pa ng naturang bagong kagamitan ang COVID-19 testing capability ng bansa na makakatulong sa paggawa ng kaukulang hakbang laban sa naturang nakamamatay na virus.

More in National News

Latest News

To Top