Connect with us

COVID travel restrictions, hindi ipatutupad – DOH

COVID travel restrictions, hindi ipatutupad – DOH

National News

COVID travel restrictions, hindi ipatutupad – DOH

Walang ipatutupad na travel restrictions kahit pa may nakitang panibagong COVID-19 variants at tumataas ang kaso nito sa ibang bansa.

Ayon sa Department of Health (DOH), walang scientific basis ang pagpapatupad muli ng travel restrictions.

Subalit sa kabila nito ay tiniyak ng ahensya na patuloy silang nakikipag-ugnayan sa mga international health authority at ng kanilang Bureau of Quarantine (BOQ) para bantayan ang entry points ng bansa.

Mula May 7 – 13, 2024, nasa 877 ang naitatalang panibagong COVID cases o katumbas ng 125 na kaso bawat araw.

Nasa 5 lang din ang naitalang nasawi mula April 30 – May 13.

More in National News

Latest News

To Top