International News
COVID vaccines ng AstraZeneca, babawiin na sa buong mundo
Babawiin na ng AstraZeneca ang lahat nilang COVID-19 vaccine sa buong mundo.
Babawiin din nila ang mga marketing authorization nito sa buong Europa.
Ang hakbang ng vaccine maker ay dahil na rin sa pag-amin nito na ang side effects ng bakuna ay pagkakaroon ng blood clot at low blood platelet counts.
Ang pagbawi ng bakuna ay inihain noong March 5 at naging epektibo noong May 7.