Connect with us

CPP Founding Chairman Joma Sison at 37 na iba pa, ipinaaresto ng korte sa Maynila kaugnay sa Inopacan Massacre

Joma Sison

National News

CPP Founding Chairman Joma Sison at 37 na iba pa, ipinaaresto ng korte sa Maynila kaugnay sa Inopacan Massacre

IPINAARESTO na ng korte sa Maynila si Communist Party of the Philippines (CPP) Founding Chairman José María “Joma” Sison at tatlumpu’t pitong iba pa dahil sa mga kasong murder.

Ito ay matapos mag-isyu ng Warrant of Arrest na may petsang Agosto 28, 2019 ang Manila Regional Trial Court Branch 32.

Ang warrant na inisyu ni presiding Judge Thelma Bunyi-Medina ay kaugnay sa malawakang pamamaslang na tinaguriang Inopacan Massacre o “Oplan Venereal Disease” na pinangunahan ng NPA noong 1985.

Sa ginawang karumal-dumal na krimen ng NPA, nasa 67 ang batay na rin sa nahukay na buto ng tao mula sa natuklasang mass grave sa Mt. Sapang Dako, Barangay Culisihan, Inopacan, Leyte noong 2006.

Maliban kay Sison, kabilang sa ipinaaresto ng korte ang asawa nito na si Juliet at mga dating National Democratic Front Of The Philippines (NDFP) Peace Negotiators.

Wala namang inirekumendang piyansa ang korte para sa mga akusado.

DZAR1026

More in National News

Latest News

To Top