Uncategorized
Credit assistance program sa OFWs, isinusulong ni Sen. Lapid
Isinusulong ni Senador Lito Lapid ang pagbibigay ng credit assistance program para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
Sa Senate Bill No. 2390 na inakda ni Lapid, tinatayang higit sa 2-M OFWs ang nagtatrabaho sa abroad noong 2016, base sa survey ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Ayon kay Lapid, sobrang laki ng ambag ng mga OFWs sa ekonomiya ng bansa mula sa kanilang ‘remittances’ kada taon. Dahil dito, mas makabubuti na suklian natin ang kanilang sakripisyo sa ibang bansa para sa pamilya nila.
Makaka-avail ang mga OFW ng pautang na hanggang P50-K mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). Ito’y upang magkaroon ng panggastos ang pamilya ng OFWs sa loob ng 3 buwan, kabilang na rin ang bayad sa recruitment process at plane tickets.
Sa ilalim ng Lapid bill, ang utang ay pwedeng bayaran sa loob ng 12 buwang installments o higit pa pero hindi lalagpas sa 24 na buwan na may interest rate na 6% kada taon.
