Connect with us

Crime rate sa “ber” months, mababa ayon sa NCRPO

National News

Crime rate sa “ber” months, mababa ayon sa NCRPO

PATULOY ang pagbaba ng bilang ng nagaganap na krimen sa mga ‘ber’ months mula noong 2016.

Ayon kay National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Police Major Gen. Guillermo Eleazar, mula 2016 hanggang 2018 ay umaba ng  29.8 % ang nagaganap na index crimes.

Base sa inilabas na datos ng NCRPO, umabot ng 1,535 ang index crime noong 2016 sa mga ber months, bumaba ito sa 1,339 noong 2017 at muling bumaba sa 1,077 nitong 2018.

Sinabi ni Eleazar na malaking tulong ang kampanya ng pamahalaan kontra sa iligal na droga sa pagpapababa sa antas ng krimen.

Tinukoy din ng opisyal ang pakikipagtulungan ngayon ng publiko sa pagsusumbong sa mga hinihinalang kriminal sa kanilang mga lugar.

Ulat ni: Charlie Nozares

More in National News

Latest News

To Top