Connect with us

Crime Watch group, kinalampag ang Taguig Hall of Justice sa rape case ni Vhong Navarro

Crime Watch group, kinalampag ang Taguig Hall of Justice sa rape case ni Vhong Navarro

Metro News

Crime Watch group, kinalampag ang Taguig Hall of Justice sa rape case ni Vhong Navarro

Kinalampag ng mga miyembro ng Citizens Crime Watch (CCW) ang Taguig Hall of Justice dahil sa ‘delay’ ng pag-usad sa rape case ng komedyante at artista na si Vhong Navarro.

Panawagan ng grupo na i-raffle na ang kaso para umusad at malaman ang pananagutan ng akusado sa umano’y panghahalay nito sa model-stylist na si Deniece Cornejo na nangyari noong 2014.

Ayon kay Diego Magpantay, pangulo ng CCW na kailangang mai-assign na sa partikular na judge ang kaso para umusad ang reklamo laban sa aktor.

Giit nila, ministerial lamang sa parte ng executive judge na i-raffle ang kaso lalo na’t mahalaga sa panig ng biktima kung papayagan bang magpiyansa o hindi si Navarro.

Nauna nang iniutos ng Taguig RTC na itigil ang pag-raffle sa kaso hangga’t maresolba ang motion for reconsideration at urgent motion ni Navarro para sa pagpapalabas ng status quo ante order mula sa Court of Appeals.

Matatandaan na sinampahan din ng kasong rape ng Taguig City Prosecutor’s Office si Navarro sa isyu nito kay Cornejo.

More in Metro News

Latest News

To Top