Connect with us

Cyberattacks sa ilang gov’t websites ng Pinas, hindi agad maiuugnay sa Chinese government – CICC

Cyberattacks sa ilang gov't websites ng Pinas, hindi agad maiuugnay sa Chinese government – CICC

National News

Cyberattacks sa ilang gov’t websites ng Pinas, hindi agad maiuugnay sa Chinese government – CICC

Natunton ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na mula sa isang Chinese state-owned telecommunications operator ang nasa likod ng cyberattacks sa mga website ng ilang ahensya ng ating pamahalaan kamakailan.

Kabilang umano sa tinangkang pasukin ng mga hacker ang official website ng Philippine Coast Guard (PCG), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at ang private website ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Bagama’t na-detect na ang internet protocol address ng hacker ay mula sa ‘China Unicom’, hindi naman ito nangangahulugan na ang Chinese government na mismo ang nasa likod ng mga nasabing cyberattack.

Ayon nga iyan sa attached agency ng DICT na Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC).

Pagbabahagi pa ni Usec. Alexander Ramos na batay sa kaniyang naging karanasan nang maassign siya sa China ay tanging sa pamamagitan lang ng state-owned Telcom facility magkakaroon ng access sa komunikasyon.

Samantala, iresponsable naman para sa Chinese Embassy ang paratang ng ilang government official at media ng Pilipinas na ang China ang nasa likod ng cyberattack at iniuugnay pa sa isyu ng South China Sea.

Iginiit ng Chinese Embassy na tutol ang gobyerno ng China sa lahat ng anyo ng cyberattack ayon sa batas.

Hindi nga raw nila pinapayagan ang alinmang bansa o indibidwal na makilahok sa cyberattack at iba pang iligal na gawain sa kanilang lupain o gamit ang imprastruktura ng Tsina.

Dagdag pa ng embahada na ang cybersecurity ay isang pandaigdigang hamon na nangangailangan ng kolektibong tugon mula sa pandaigdigang komunidad.

Kaugnay nito ay nanawagan ang Tsina sa lahat ng mga bansa na sama-samang pangalagaan ang cybersecurity sa pamamagitan ng pagsasagawa ng dialogo at kooperasyon.

More in National News

Latest News

To Top