Breaking News
Cyberlibel case ni Pacquiao vs Pastor Quiboloy, ibinasura
Inanunsyo ni Pastor Apollo C. Quiboloy, Executive Pastor ng the Kingdom of Jesus Christ na nadismiss na ang cyberlibel case na isinampa laban sa kanya ni Senador Manny Paquiao.
Ayon kay Pastor Apollo na kanyang natanggap ang resolusyon na may petsang December 22,2021 mula sa Makati City Prosecution office noon pang January 21, 2022.
Inilabas ng butihing Pastor ang pahayag matapos inanunsiyo ni Paquiao na hindi ito dadalo sa Presidential debate na inorganisa ng Sonshine Media Network International kung saan si Pastor Apollo ang Honorary Chairman.
Paliwanag ni Paquiao, umiiwas siyang mabigyan ng ibang kahulugan ang kanyang pagdalo sa debate habang patuloy na dinidinig ang cyberlibel case laban kay Pastor Apollo.
