National News
DA at DOH, nag-boodle fight para patunayang ligtas ang karne ng baboy
PINAGSALUHAN ng mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) at Department of Health (DOH) ang iba’t ibang putahe ng baboy sa isang boodle fight.
Ito ay para patunayang ligtas ang karne ng baboy na ibinebenta sa pamilihan sa bansa kasunod na rin ng ulat ng suspected African Swine Flu sa ilang lugar sa bansa.
Pinangunahan ang boodle fight nina Agriculture Acting Secretary William Dar at Health Secretary Francisco Duque kasama ang ilang miyembro ng hog industry.
Inulit naman ni Dar sa mga consumer na tingnan muna ang MNIS mark sa karne bago bumili para masigurong pasado ito sa pagsusuri at ligtas itong kainin.
Pinaalalahan din ni Duque ang mga consumer na dapat wasto ang paghahanda ng karne at tiyaking malinis ang paghahanda ng karneng baboy at hindi hilaw ang pagkaluto nito.