Connect with us

DA, hahanap ng paraan na maibaba sa P20 – P30 ang presyo ng bigas

DA, hahanap ng paraan na maibaba sa P20 - P30 ang presyo ng bigas

National News

DA, hahanap ng paraan na maibaba sa P20 – P30 ang presyo ng bigas

Inihayag ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar na hahanapan nila ng paraaan na maibaba sa P20 ang presyo ng bigas na pangako ni Presumptive President Bongbong Marcos sa publiko.

Ayon kay Dar, kailangan muna nilang pag-aralan kung papaano ito maisasakatuparan.

“Another way to have cheaper rice in the market is lengthen or have more buffer stocking by the country in 2 ways. No.1, NFA, recently holding 7-day buffer stock because of P7 billion budget. Can be given additional support good for additional 23 days. Para gagawin nang 30 days ang buffer stocking under the management of National Food Authority, ani William Dar.

Sa kasalukuyan kasi ay nasa P19 pesos ang presyo ng palay.

Plano naman ng kalihim na imungkahi sa susunod na administrasyon na itaas ang buffer stock ng bigas.

Kasabay niyan, nais din ni Dar na ibalik ang pagbebenta ng NFA rice sa P27 – P28 upang maging abot kaya at pasok din sa budget ng mga Pinoy ang presyo ng bigas.

Mababatid na una nang sinang-ayunan ni National Economic Development Authority Secretary Karl Kendrick Chua na posible ang P20 na bigas.

Ito ay kung sa pamamagitan ng Rice Tarrification Law at kung maibibigay ng susunod na administrasyon ang mga  subsidiya para sa mga local farmer.

Samantala, kumpleto na ang 10-year modernization and industrialization plan ng Dept. of Agri para sa susunod na mamumuno ng bansang Pilipinas.

 

 

More in National News

Latest News

To Top