National News
DA, handang magbigay ng emergency loan sa mga magsasaka at mangingisda na apektado ng Taal Volcano eruption
Mahigpit ngayong tinututukan ng Department of Agriculture ang kasalukuyang sitwasyon sa Taal.
Kasunod na rin ito ng pagsabog ng Bulkang Taal kahapon.
Ipinag-utos na Agriculture Sec. William Dar sa DA Regional Field Office 4A at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 4-A na agad magbigay ng mga update na namonitor sa kanilang nasasakupan.
“We have instructed both DA RFO 4A Director Arnel de Mesa and BFAR 4A Director Sammy Malvas to provide immediate updates on the risk areas, affected farmers, fisherfolk and their families, and appropriate assistance,” saad ni Sec. Dar.
Ang ahensya, sa ilalim ng Agricultural Credit and Policy Council (ACPC), ay nakahandang magbigay ng emergency loan assistance sa mga apektadong magsasaka at mga mangingisda.
“We can provide an emergency loan of P25,000, zero interest, payable in three years, under the Survival and Recovery (SURE) loan program,” dagdag ng kalihim.
Pagbibigay diin pa ni Dar, prayoridad ngayon ng DA ang pagtiyak sa kaligtasan ng mga magsasaka, mangingisda, at kanilang pamilya kasama na ang kanilang mga alagang hayop.
Nagabiso naman ang kagawaran sa mga magsasaka at mangingisda na kasama ring ilikas ang kanilang mga livestock animals sa mas ligtas na lugar, at anihin na ang mga pwede ng pananim at i-secure ang kanilang mga kagamitan sa pagsasaka.
Nagbigay din ng payo ang DA sa bawat isa na manatili sa loob ng bahay at kung kailangan namang lumabas ay dapat hindi kaligtaan ang pagsusuot ng face mask para di malanghap ang abo na galing bulkan.
Admar R. Vilando