Connect with us

DA, maglalaan ng P3-B pondo para sa mga magsasaka na apektado ng COVID-19

Moratorium sa pagbabayad ng utang, ipinatupad ng DA-ACPC

National News

DA, maglalaan ng P3-B pondo para sa mga magsasaka na apektado ng COVID-19

Handa ang Department of Agriculture (DA) na maglaan ng P3-Billion tulong para sa mga magsasaka naapektado sa gitna ng banta ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Kagabi nang ipaalam ni Agriculture Sec. william Dar sa Inter-Agency Task Force meeting na bukod sa P3-Bilyong assistance sa mga magsasaka ay mayroon din silang nakalinya na loan package para sa mga ito.

Ani Dar, mayroon silang sure aid loan package mula sa Agriculture Credit Policy Council na nagkakahalaga ng ₱2.8-Billion.

Tiniyak din ng kalihim na patuloy silang nakikipagtulungan sa mga kooperatiba at asosasyon ng mga magsasaka para sa patuloy na food production at magkaroon ng sapat na suplay ng pagkain ngayon at sa mga susunod pa.

Matatandaang isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte sa state of calamity ang bansa at sa enhanced community quarantine. ang buong Luzon para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

More in National News

Latest News

To Top