National News
DA, naglaan na ng pondo bilang tulong sa mga magsasaka na apektado ng RTL
NAGLAAN ang Department of Agriculture (DA) ng P1.6 bilyon sa top six rice producing provinces para matulungan ang mga magsasaka na makabawi dahil sa pagbagsak sa presyo ng palay.
Ayon sa DA, nasa mahigit 27,000 small-scale farmers ang mabebenipesyuhan mula sa anim na probinsiya.
Ilan sa mga probinsiyang na may pinakamalaking palay production na mabibigyan ay ang Nueva Ecija na may P250 million, Ilocos Norte-P200 million, Ilocos Sur-P200 Million; Pangasinan-P300 million, La Union-P200 million at P450 million naman sa Isabela.
Pinayuhan din ng DA ang mga local officials na tulungan at tustusan ang mga magsasaka mula sa pagbili ng binhi, drying, milling at pagbebenta sa mga palay.
Ulat ni: Melrose Manuel