Connect with us

DA, naglaan ng mahigit P6.4M na tulong para sa mga rice farmer

DA, naglaan ng mahigit P6.4M na tulong para sa mga rice farmer

National News

DA, naglaan ng mahigit P6.4M na tulong para sa mga rice farmer

Hindi bababa sa P6.4 milyon ang inilaan ng Department of Agriculture (DA) para sa mga magsasaka ng palay.

Ayon kay DA Assistant Secretary for Operations Arnel de Mesa, hindi bababa sa P5.32 milyong halaga ng hybrid seeds at P1.11 milyong halaga ng certified seeds ang ipinamahagi sa mga magsasaka na sakop ng National Rice Program (NRP).

Layunin din ng da na ipamahagi ang mga de-kalidad na inbred at hybrid na binhi sa 15 rehiyon na sumasaklaw sa kabuuang 1.8 milyong ektarya para sa wet and dry cropping season ngayong taon.

Patuloy namang tutulong ang gobyerno sa pamamagitan ng Fertilizer Discount Voucher Program para sa mga magsasakang rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture.

Ang hakbang na ito ng da ay upang mapagaan ang gastusin ng mga magsasaka, mapalakas ang produksiyon ng palay sa bansa at mapalaki ang kita ng mga ito.

More in National News

Latest News

To Top