Connect with us

DA, nakipag-ugnayan sa pribadong sektor upang masiguro ang suplay ng pagkain sa buong bansa

DA, nakipag-ugnayan sa pribadong sektor upang masiguro ang suplay ng pagkain sa buong bansa

National News

DA, nakipag-ugnayan sa pribadong sektor upang masiguro ang suplay ng pagkain sa buong bansa

Lumagda ang Department of Agriculture (DA) ng tatlong magkakahiwalay na kasunduan sa Aboitiz Foundation Inc. and Pilmico Foods Corp., Trimera Integrated Farm at SM Supermalls para sa ilang proyekto na layong masiguro ang sapat na suplay ng pagkain sa bansa.

May be an image of 14 people and text

Ang ugnayan ng ahensya sa Aboitiz Foundation at Pilmico ay ang pagtatayo ng Urban at Peru-Urban Gardens.

Magbibigay din ang Aboitiz Foundation at Pilmico ng mga package para sa egg at swine production maging aquaponics farming systems.

Samantala, aalamin naman ng trimera ang mga lugar na bagay para sa produksyon ng mga kuneho at sanayin ang kanilang mga tauhan patakbuhin ang ganitong negosyo.

Ang SM Supermalls naman ang magtatayo ng food gardens na magbibigay ng ligtas at murang pagkain sa mga kabahayan at komunidad sa mga syudad.

Magbibigay din ang mga garden ng karagdagang kita sa mga tutulong sa proyekto na sasailalim sa training ang capacity enhancement sa Agricultural Training Institute (ATI), ang training arm ng DA.

More in National News

Latest News

To Top