Connect with us

DA, nilinaw na walang kaso ng African Swine Fever sa Visayas at Mindanao

African Swine Fever

National News

DA, nilinaw na walang kaso ng African Swine Fever sa Visayas at Mindanao

WALANG kaso ng African Swine Fever (ASF) sa mga alagang baboy mula sa Visayas at Mindanao.

Ito ang nilinaw ni Department of Agriculture Spokesperson, Assistant Secretary Noel Reyes.

Aniya, wala dapat na ikabahala ang mga taga-Visayas at Mindanao sa ASF dahil concentrated lamang ang kaso nito sa lalawigan ng Rizal, Bulacan at Quezon city.

Pinabulaanan din ni ASEC. Reyes na mayroong natagpuang lumulutang na patay na baboy sa ilang ilog sa Visayas at Mindanao.

Giit nito, wala dapat na ikatakot ang publiko sa nabanggit na mga rehiyon.

Paliwanag ni Reyes, nagsilbing Geographical Barrier ang karagatan sa pagitan ng mga pulo kung kaya’t napigilan ang pagkalat ng virus.

 

DZAR1026

More in National News

Latest News

To Top