Connect with us

DA, patuloy ang paghahanda sa posibleng pagpasok ng ‘bird flu’ sa bansa

Agri. Sec. William Dar

National News

DA, patuloy ang paghahanda sa posibleng pagpasok ng ‘bird flu’ sa bansa

Patuloy ang paghahanda na ginagawa ng Department of Agriculture (DA) sa bantang dala ng posibleng pagpasok ng bird flu sa bansa.

Sa panayam ng Sonshine Radio kay Agriculture Secretary William Dar, tiniyak nito na ongoing ang surveillance at monitoring lalo na sa mga pumapasok na migratory birds mula sa ibang bansa.

Ayon kay Dar, negatibo ang resulta ng mga isinagawang lab tests kaugnay sa mga migratory birds.

Patuloy rin aniya ang pagpapaalala ng gobyerno sa publiko na bawal ang pamamaril o pagkain ng migratory birds upang makaiwas sa bantang dala ng bird flu.

Dagdag ng kalihim ay isang paraan ang migratory birds upang madaling makapasok ang virus sa bansa.

Sa ngayon, maliban sa 2019 novel coronavirus ay mahigpit rin ngayong binabantayan sa China ang kaso ng H5N1 bird flu outbreak sa Hunan province.

More in National News

Latest News

To Top