Connect with us

DA, pinalawig pa ang fuel subsidies sa mga magsasaka at mangingisda

DA, pinalawig pa ang fuel subsidies sa mga magsasaka at mangingisda

National News

DA, pinalawig pa ang fuel subsidies sa mga magsasaka at mangingisda

Pinalawig pa ng Department of Agriculture (DA) ang pamamahagi ng subsidiya sa gasolina para sa mga magsasaka at mangingisda sa kalagitnaan ng patuloy na pagtaas na presyo ng produktong petrolyo.

Ayon sa memo na nilagdaan ni Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian, damay sa programa ang lahat ng farm machinery na may makina na ginagamit sa pagtatanim at pangingisda.

Ani Sebastian, makikinabang ang lahat ng magsasaka sa subsidiya basta naka-enroll ang lahat ng makinarya sa ilalim ng programa at mayroon din itong proof of ownership.

Binigyan din ng direktiba ang mga magsasaka na makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan upang mapabilis ang pamamahagi ng cash cards sa mga benepisyaryo.

Ang mga benepisyaryo mula sa nasabing programa ay makakakuha ng 30% fuel discount o hanggang P3,000 kada magsasaka o mangingisda sa pagbili nito ng gasolina o diesel mula sa mga contracted gas stations.

More in National News

Latest News

To Top