COVID-19 UPDATES
DA, sisimulan nang mamamahagi ng cash assistance sa mga magsasaka ngayong linggo
Nakatakdang mamahagi ang Department of Agriculture (DA) ng P5,000 sa nasa 600,000 na magsasaka ngayong linggo.
Ito ay upang mapunan ang kanilang pangangailangan habang patuloy na umiiral ang enhanced community quarantine sa buong Luzon.
Dahil sa mga checkpoints at mahigpit na pagpasok at paglabas ng mga goods ay bumagal din ang demand ng mga ito kung kaya’t bumagsak din ang benta at kita ng mga magsasaka.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, maaaring magamit ito ng mga magsasaka sa pagbili ng gamit sa pagsasaka, pagkain o kahit na anong kailangan nila.
Sa oras naman na maipamahagi na ang pinansyal na tulong ay maaari na itong makuha sa Land Bank of the Philippines.