Connect with us

Daan-daang mangrove seedling, itinanim ng SPM volunteers sa bayan ng Noveleta

Daan-daang mangrove seedling, itinanim ng SPM volunteers sa bayan ng Noveleta

Kingdom News

Daan-daang mangrove seedling, itinanim ng SPM volunteers sa bayan ng Noveleta

Sa layong tugunan ang lumalalang sitwasyon sa climate change, nagkaisa ang daan-daang miyembro ng the Kingdom of Jesus Christ (KOJC) at volunteers ng Sonshine Philippines Movement (SPM) sa pagtatanim ng mga bakawan sa bayan ng Noveleta sa probinsya ng Cavite.

Sino nga bang makakalimot sa ginawang paghagupit ng super bagyong Yolanda sa bansa noong Nobyembre taong 2013?

Ang pinsalang iniwan ng bagyo, umabot sa halos P100-B

At ang mga buhay na nawala, hindi bababa sa 6-K

Magpapasko pa naman noon, kaya imbes na liwanag at saya lungkot at pighati ang nadama ng mga biktima ng unos.

Sabi ng mga eksperto, ang super bagyong Yolanda ay resulta umano ng climate change.

Ang pabago-bagong panahon o climate change ay kabilang na sa mga problemang hinaharap hindi lang ng Pilipinas kundi ng maraming bansa.

At para maibsan at di na lumala pa ang epekto nito ay iba’t ibang paraan na rin ang ginagawa sa buong mundo.

Ngayong Biyernes nga, ika-31 ng Mayo, daan-daang mangrove seedlings ang itinanim ng mga volunteer ng SPM sa Barangay San Rafael 4, Noveleta Cavite.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng mga miyembro ng the KOJC.

Nakiisa rin ang iba’t ibang sektor kabilang na ang mga kabataan.

Ayon kay Silvano Cemanes, cluster Minister ng the KOJC sa South NCR at Cavite, ang pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan ang isa sa mga itinuturo ni Pastor Apollo C, Quiboloy.

“Walang pagsidlang kagalakan natin sa pagtulong kasi ‘yan ang spiritu ng ating pinakamamahal na pastor ‘yung tumulong talaga sa kapwa at higit sa lahat sa kalikasan ‘yan ang tinutulad natin sa ating pinakamamahal na pastor ‘yung pagmamahal natin sa kalikasan kaya tumutulong tayo sa mga NGOs para sa pagtatanim voluntarily na masaya tayo na sumasama sa kanila,” ayon kay KOJC, Cavite, South NCR, Cluster Minister, Silvano Cemanes.

Sinabi naman ni Maricar Flores youth in charge ng Keepers Club International na ang kanilang inspirasyon sa pangangalaga sa kalikasan ay walang iba kundi si Pastor Apollo C, Quiboloy.

“Si pastor po talaga ang nagturo po sa amin bilang kabataan po tinuro po sa amin ni pastor kung paano mahalin ang kalikasan specialy una sa lahat tinuro sa amin ni pastor ang kalinisan nagsisimula talaga ang lahat and then ang pagmamahal sa kalikasan na kahit anong mangyari kasi ito ang makakatulong sa atin pagdating ng panahon sa mga aksidente sa mga kalamidad na alagaan talaga natin ‘yung kalikasan,” ayon naman kay Keepers Club Int’l, Youth in Charge, Maricar Flores.

Malaki naman ang pasasalamat ng lokal na pamahalaan dahil sa hakbang na ito ng SPM at ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

Ayon kay Leah Olidan-Balen pangulo ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ng Noveleta Cavite, ang ginawang hakbang ng SPM at ng mga miyembro ng the KOJC ay malaking tulong hindi lang sa kalikasan kundi maging sa kabuhayan ng mga residente sa naturang barangay.

“Malaki rin po ‘yung tulong niya dito sa mangrove farmers association nagkakaroon po sila ng livelihood at the same time po napo-promote din po na may magandang lugar po dito sa bayan ng Noveleta.”

“Maraming salamat po sa Sonshine Philippines Movement kasi 2nd year na po napasyalan ang bayan ng Noveleta at sana mapakalat pa po natin na meron po kaming mangrove forest area dito sa bayan ng Noveleta at mai-share po natin ‘yung kailangan na mapangalagaan po natin itong area nato,” saad ni Head MENRO, Leah Olidan – Balen.

Alam niyo ba na malaki ang pakinabang ng mangrove o bakawan? dahil nagsisilbing itong proteksiyon laban sa storm surge, pagguho at pagbaha ng baybayin.

Hinimok naman ni Cleo Torres barangay captain ng San Rafael kwatro ang ibang Pilipino na tularan ang SPM sa pagtatanim ng bakawan.

Para naman kay Noveleta Councilor Ricky Saria, hiling nito sa SPM at sa KOJC members na sana huwag itong magsawa sa pagtulong sa kanilang lugar.

“In behalf of mayor Dino po kami po ay nagpapasalamat sa Sonshine Movement kasi po sa pangalawang pagkakataon ito po ay napili niyo na magkaroon ng ganitong activities kaya po maraming-maraming salamat po sana po ay patuloy po na dito nyo po gawin ang tree planting nato salamat po sa inyo,” saad naman ni Cavite, Noveleta, Councilor, Ricky Saria.

Maliban sa nagbibigay ng proteksyon sa mga baybayin ang mga mangrove o bakawan ay nagsisilbing tirahan at breeding ground ng ibat-ibang uri ng ibon, isda at iba pang lamang dagat.

Taong 2005 nang magsimula ang SPM sa pangunguna ni Pastor Apollo C, Quiboloy.

Magmula noon ay taon-taon nang nagsasagawa ng mga clean-up drives at tree planting activities ang mga miyembro at volunteers ng SPM.

dahil dito kinilala si Pastor Apollo C, Quiboloy sa Asia’s Humanitarian Hero Awards 2023 bilang Lifetime Achiever and Most Active Humanitarian Advocate of The Year.

Sa huli sinabi ng mga kingdom members na kahit anong mangyari sila ay patuloy na susunod sa mga turo ni Pastor Apollo na naka-angkla sa mga salita ng dios at tunay na pagmamahal sa bayan at sa ating inang kalikasan.

“Tuloy-tuloy lahat ng ano to wala man si Pastor nanjan man tuloy-tuloy ang mga turo ni pastor mananatili sa aming puso at isipan,” ani Silvano Cemanes.

“Opo tuloy-tuloy parin po kahit wala po si pastor nasa puso naman po namin si pastor na talagang naitatak na po sa amin na kung ano man ‘yung kabutihan na tinuro sa amin ni pastor mula sa mga kabataan na talagang imbes na mapariwara ang buhay or ilaan po sa bisyo dito po sa environment pinapatulong ni pastor para po mapalago ang kalikasan ang pagmamahal sa kalikasan,” pahayag pa ni Maricar Flores.

More in Kingdom News

Latest News

To Top