Connect with us

Daan-daang mga taga-Navotas, nagsauli ng SAC form at cash na ayuda

Susubukang maiwasan na ng DSWD ang mga naging hamon na kanilang naranasan sa pamimigay ng Social Amelioration Program (SAP)

Metro News

Daan-daang mga taga-Navotas, nagsauli ng SAC form at cash na ayuda

Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Navotas na may daan-daang residente nila ang nagsauli ng mga social amelioration card (SAC) form at cash na ayuda.

Sa twitter post ni Navotas Mayor Toby Tiangco, nasa mahigit 500 ang Navoteño ang nagsauli ng SAC form.

Nasa 24 namang indibidwal ang nagsauli ng tig P8,000 cash na natanggap na ayuda.

“Sa ulat ng ating City Social Welfare and Development Office kahapon, 551 mga Navoteño ang nagbalik ng kanilang social amelioration card at 24 ang nagsauli ng P8,000 cash,” saad ni Tiangco sa kanyang twitter post.

Dagdag pa ng alkalde, ang mga isinauli ay katumbas ng halos P5M halaga ng emergency subsidy.

“Katumbas ito ng P4.6 milyon halaga ng emergency subsidy at ito ay papalitan ng 575 na pamilyang kwalipikado.” pagtatapos ng tweet ng alkalde.

“Katumbas ito ng P4.6 milyon halaga ng emergency subsidy at ito ay papalitan ng 575 na pamilyang kwalipikado.” dugtong ng alkalde.

Nagpasalamat naman si Tiangco sa mga tapat na Navoteño sa kanilang ginawa.

“Lubos po ang ating pasasalamat sa mga Navoteño na naging tapat, lalo na sa mga nagpaubaya dahil alam nilang merong mga pamilya na mas nangangailangan ng tulong. Ang malasakit natin sa isa’t isa ang magtatawid sa atin sa krisis na ito.” dagdag pa ni Tiangco.

Mahigpit namang binalaan ng alkalde ang mga nagbibigay ng mali-maling impormasyon sa kanila.

“Nagpapaalala po kami sa mga sadyang may binigay na maling impormasyon, hindi kami hihinto sa paghanap sa inyo. Pinirmahan ninyo na alam n’yong pwede kayong makulong. Kung hindi kayo kwalipikado sa social amelioration, pakisauli na lang ng form o cash sa inyong barangay.”

Continue Reading

More in Metro News

Latest News

To Top