Connect with us

Daan-daang residente ng Marikina, nakinabang sa libreng Theoretical Driving Course ng LTO

Daan-daang residente ng Marikina, nakinabang sa libreng Theoretical Driving Course ng LTO

National News

Daan-daang residente ng Marikina, nakinabang sa libreng Theoretical Driving Course ng LTO

Aabot sa 389 na mga residente sa Lungsod ng Marikina ang nakinabang sa proyektong libreng Theoretical Driving Course (TDC) ng Land Transportation Office (LTO).

Kasunod ito ng isinagawang outreach program ng LTO sa ilalim ng Bagong Pilipinas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ilan sa mga nabiyayaan ng proyekto ay mula sa mga Barangay ng Tanong, San Roque, Nangka at Fortune

Maliban sa TDC nagbigay din ng pre-registration para sa driver’s license application ang LTO.

Una nang inatasan ang lahat ng LTO regional directors at district office heads na magsagawa ng mas maraming libreng TDC programs upang makatulong sa mga Pilipino.

Layunin ng Department of Transportation (DOTr) at LTO na makabuo ng mas responsible at disiplinadong motorist sa buong bansa.

Ang TDC ay isa sa mga pangunahing requirements sa pagkuha ng lisensya upang makapagmaneho.

More in National News

Latest News

To Top