National News
Daang kabahayan natabunan ng landslide sa Mt. Apo
Daan-daang kabahayan sa palibot ng Mount Apo ang natabunan matapos gumuho ang lupa at magbagsakan ang malalaking tipak ng bato sa kasagsagan ng magnitude 6.5 na lindol na tumama sa Cotabato.
Ang Mount Apo na may taas na 2,954 metro mula sa sea level ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas na matatagpuan sa pagitan ng Davao city at Davao del sur sa Region 11 at Cotabato sa Region 12.
Ayon sa Office of Civil Defense Region 11 at 12, nag-panic ang grupo ng mga mountaineers nang abutan sila ng malakas na lindol habang nasa summit ng Mount Apo.
Sa kasagsagan ng lindol nakarinig umano ang mga ito ng malakas na ugong at tila pagsabog kasabay ng malakas na pag-uga ng lupa dulot ng 6.5 magnitude na lindol.
Ang 6.5 magnitude na lindol ay ikatlong malakas na lindol na tumama sa mindanao simula noong Oktubre a-16.
