Connect with us

Dagdag bus units sa PITX, tiniyak ang ligtas na biyahe ngayong Holy Week

Dagdag bus units sa PITX, tiniyak ang ligtas na biyahe ngayong Holy Week

National News

Dagdag bus units sa PITX, tiniyak ang ligtas na biyahe ngayong Holy Week

Inaasahan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ang pagdagsa ng higit 2-M pasahero ngayong Semana Santa, kaya’t nagsagawa na ng mga hakbang upang mapanatiling maayos ang daloy ng biyahe.

Ayon sa pamunuan ng PITX, magdadagdag ng bus units ang mga kumpanya upang tugunan ang dami ng pasahero, lalo na sa mga biyaheng pa-Bicol na una nang napaulat na fully booked mula Abril 12 – 16.

Tiniyak din ng terminal na ligtas at maayos ang mga sasakyang bibiyahe sa tulong ng inspeksyon mula sa Land Transportation Office (LTO), gayundin ang kalagayan ng mga drayber sa pamamagitan ng surprise drug tests.

Pinayuhan naman ang publiko na huwag magdala ng ipinagbabawal na gamit tulad ng matutulis na bagay at flammable items upang maiwasan ang abala at pagkakakumpiska ng mga ito sa terminal.

More in National News

Latest News

To Top