National News
Dagdag kontribusyon sa mga miyembro ng SSS, epektibo na sa Abril
Ipatutupad na simula sa Abril ang dagdag kontribusyon sa mga miyembro ng Social Security System (SSS).
Inilabas na ng SSS ang bagong table kaugnay ng pagtaas ng 12% na buwanang contribution rate ng mga miyembro.
Magiging epektibo ang dagdag kontribusyon sa Abril a-uno at magre-reflect ito sa Mayo.
Tataas din ng hanggang dalawang libong piso ang minimum na Monthly Salary Credit (MSC) habang ang maximum ay hanggang dalawampung libong piso.
Ang pagtaas sa contribution rate na inaprubahan ng SSS Governing Board noong Marso 13, ay mandato sa ilalim ng new charter na layong mapalawig ang fund life ng SSS.
DZARNews