Connect with us

Dagdag-pondo para sa pagbili ng body-worn cameras, welcome sa PNP

Dagdag-pondo para sa pagbili ng body-worn cameras, welcome sa PNP

National News

Dagdag-pondo para sa pagbili ng body-worn cameras, welcome sa PNP

Malugod na tinatanggap ng Philippine National Police (PNP) ang mungkahi ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na dagdagan sila ng pondo.

Ito ay upang makabili ng mas maraming body-worn cameras na gagamitin sa iba’t ibang operasyon.

Sinabi ni PNP Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, na anumang hakbang upang madagdagan ang kanilang pondo sa pagbili ng body-worn cameras ay tinatanggap nila.

Ayon kay Fajardo, 2,756 lamang ang nabili nilang body-worn cameras habang nakatanggap sila ng 60 body-worn cameras mula sa Public Safety Savings & Loan Association Incorporated (PSSLAI).

Nangangailangan pa ang PNP ng 45-K body-worn cameras upang mabigyan ang iba pang yunit o istasyon ng pulisya sa buong bansa.

More in National News

Latest News

To Top