National News
Dagdag sahod ng mga taga-Hudikatura, isusulong ni Pastor ACQ
Ngayon pa lang ay naglalatag na ng solusyon kontra korupsiyon ang spiritual leader ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Pastor Apollo C. Quiboloy.
Isa ang butihing Pastor sa mga senatoriable sa 2025 mid-term elections.
Bahagi ng kaniyang platform of government ang mahigpit na pagpapatupad ng mga batas kontra korupsiyon.
Nakilala ang KOJC dahil sa zero corruption policy, bagay na nais dalhin ni Pastor Apollo sa gobyerno.
Kabilang sa solusyon kontra korupsiyon na kaniyang isusulong ay taasan ang sahod ng mga taga- Hudikatura.
Kasama na diyan ang mga taga Supreme Court hanggang sa pinakamababang korte sa Pilipinas.
May umiiral nang batas para dito ngunit isusulong ni Pastor Apollo ang amyenda na 30% salary increase.
Paliwanag ng butihing Pastor, paraan ito upang palakasin ang independence ng bawat mahistrado pati RTC (Regional Trial Court) at MTC (Municipal Trial Court) judges.
Para kay Atty. Trixie Cruz- Angeles, ang dating press secretary ng kasalukuyang administrasyon, maganda ang layunin ng panukala. “Well, maganda actually ‘yan kasi isa doon sa ongoing concern ng ating Hudikatura ay siyempre ‘yung quality of life na mabibigay natin sa ating mga mahistrado at mga huwes.
So, it’s always a continuing concern pero ang in-charge diyan ay ang Korte Suprema. Maaari rin naman of course magpasa ng panukalang batas tungkol dito.”
Dahil continuing concern, hiling ni Cruz- Angeles na maging proactive din ang proposed wage hike batay sa umiiral na economic condition ng bansa. “Pero hindi lang dapat tumigil sa pag-increase no? Dapat sliding increase ‘yan. Ibig sabihin, dapat magbago. After so many years, irere-assess para mataasan uli ‘yung kanilang sweldo and it keeps up with the times.”
Noong 2023, mahigit 50K na kaso ang naisampa sa Pilipinas na may kinalaman sa mga kababaihan at kabataan.
Hindi pa kasama diyan ang iba pang mga karumal-dumal na kaso.
Samantala, asahan pa ang ibang panukala kontra korupsiyon ng butihing Pastor sa hangarin na ipakita na hindi imposible ang ‘zero corruption’ sa gobyerno.
Kailangan lamang ng full transparency sa lahat ng government transactions at tapat na liderato.
