Metro News
Dagdag singil sa NLEX, simula na sa Marso 20
Magtataas ng toll ang North Luzon Expressway (NLEX) simula Marso 20 matapos aprubahan ng Toll Regulatory Board ang kanilang petisyon.
Batay sa approved rates ng TRB, kabuuang sampung piso ang dagdag na toll fees sa “open system” kung saan kasama ang
- Balintawak,
- Mindanao Avenue,
- Karuhatan,
- Valenzuela,
- Caloocan,
- Meycauayan at
- Marilao sa Bulacan.
Labing walong sentimos naman ang dagdag sa kada kilometro sa ilalim ng closed system mula Balintawak o Mindanao Avenue papuntang Santa Ines sa Mabalacat, Pampanga.
Sa ilalim ng bagong Toll Fee Matrix, ang class 1 o mga kotse, 55 pesos na ang new rate sa open system mula sa 45 pesos at kung end-to-end naman ay 258 pesos na mula sa 236 pesos.
Sa class 2 o mga maliliit na truck at bus, ang bagong toll fee sa open system ay 137 pesos mula sa 114 pesos samantalang kung end-to-end ay papalo na sa 646 pesos ang rate mula sa dating 590 pesos.
Habang ang class 3 o mga multi-axled truck ay 165 pesos na ang new rate sa open system mula sa dating 136 pesos at kung end-to-end ay 775 pesos na mula sa dating 708 pesos.
DZARNews
