National News
Dagdag-singil sa produktong petrolyo, epektibo na ngayong araw
Epektibo na ngayong araw ang dagdag-singil sa presyo ng produktong petrolyo ng ilang kumpanya ng langis.
Siyamnapung sentimos ang dagdag sa kada litro ng gasolina.
Habang walang paggalaw sa presyo ng diesel at kerosene.
Ang oil price hike ay bunsod pa rin sa paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
DZARNews
