National News
Dagsa ng magpaparehistrong botante, inaasahan ng Comelec
Inaasahan ng Commission on Elections (Comelec) na dadagsa ang magpaparehistro ngayong nalalapit na ang pagtatapos ng voters’ registration sa Setyembre 30, 2024.
Dahil dito, sa pahayag ni Comelec Spokesperson John Rex Laundiangco, mainam na hindi na nila antayin ang huling mga araw sa pagpaparehistro upang maiwasan ang mahabang pila.
Kasabay ng naturang paalala ay pinalawig naman ng Comelec ang palugit para sa lahat ng voters na nais magpa-reactivate.
Sa anunsyo, imbis na hanggang Setyembre 7 lang ay maaari paring magpa-reactivate ang mahigit 5M deactivated voters hanggang Setyembre 25.
Samantala, dumating na sa bansa mula South Korea ang mahigit 35K automated counting machine (ACMs) ng Miru Systems na siyang gagamitin sa halalan sa 2025.
Ayon sa Comelec, ang lahat ng makinaryang ito ay dadaan muna sa hardware acceptance test.
Inaasahan namang sa buwan ng Nobyembre ay makukumpleto na ang lahat ng delivery ng ACMs.
Mahigit 100K makinarya ng Miru ang ni-rentahan ng Comelec para sa susunod na taon.