National News
Dalawang Low Pressure Area, namataan ng Pagasa sa loob ng PAR
DALAWANG Low Pressure Area at isang bagyo ang patuloy na binabantayan ng Pagasa.
Ayon sa Pagasa, namataan ang dalawang LPA sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) habang ang bagyo ay nasa labas pa ng bansa.
Namataan ang isang LPA sa layong 895 kilometro silangan hilagang silangan ng Basco, Batanes.
Habang ang ikalawang LPA ay namataan naman sa layong 280 kilometro kanluran ng Iba, Zambales.
Inaasahan umanong tatama sa Luzon ang LPA na nasa Zambales at magiging bagyo sa susunod na mga araw na papangalanang “Nympha.”
Maliban sa dalawang LPA, binabantayan din ang tropical storm Peipah, na nakita sa labas ng PAR, may 2,295 kilometro silangan ng Extreme Northern Luzon.
May lakas ito ng hangin na 65 kilometro kada oras at pagbugsong 90 kph.
Gumagalaw siya sa bilis na 45 kph pa-northwest. Sa kabila nito, maliit umano ang tsansa na pumasok ito sa bansa.