Connect with us

Dalawang Opisyal ng PMA, nagbitiw na sa puwesto kasunod ng Dormitorio hazing incident

Dormitorio Hazing Incident

National News

Dalawang Opisyal ng PMA, nagbitiw na sa puwesto kasunod ng Dormitorio hazing incident

KASUNOD ng pagkasawi ni PMA Cadet 4th Class Darwin Dormitorio dahil sa hazing, nagbitiw na sa pwesto sina PMA Superintendent Lieutenant General Ronnie Evangelista at PMA Commandant of Cadets Brigadier General Bartolome Vicente Bacarro.

Sa pulong balitaan, sinabi ni Evangelista na ang kanyang pagbibitiw ay dahil nakumpleto na ang Administrative at Criminal procedures sa insidente.

Nilinaw ni Evangelista na walang pressure o pumilit sa kanyang magbitiw sa pwesto pero dahil din ito sa command responsibility.

Pinangalanan na rin ang apat na kadete na sinibak sa PMA na sina 3rd Class Shalimar Imperial at 3rd Class Felix Lumbag dahil sa direkta nilang partisipasyon sa insidente.

Gayundin sina Cadet 1st Class Axl Rey Sanupao dahil sa maltreatment at Cadet 2nd Class Nickoel Termil na Squadleader dahil sa command responsibility.

Sinuspinde naman sina Cadet 1st Class Irvin Sayud na Platoon Leader at Cadet 1st Class Elbert Lucas na Commanding Officer.

Nahaharap sa class 1 offense si Cadet First Class Christian Correa na Floor Inspector.

Una nang sinibak ang mga opisyal na sina Major Rex Bolo na Senior Tactical Officer at Captain Jeffrey Batistiana na Tactical Officer.

Nahaharap sa kasong administratibo sina Colonel Cesar Candelaria na Commanding Officer at Captain Flor Apostol na Attending Physician ng PMA.

Samantala, tinanggap na ni outgoing AFP Chief of Staff General Benjamin Madrigal ang pagbibitiw nina Evangelista at Bacarro.

 

DZAR1026

 

More in National News

Latest News

To Top