Connect with us

‘Dangerous’ o mapanganib na heat index, inaasahang mararamdaman sa 33 lugar sa bansa

‘Dangerous’ o mapanganib na heat index, inaasahang mararamdaman sa 33 lugar sa bansa

National News

‘Dangerous’ o mapanganib na heat index, inaasahang mararamdaman sa 33 lugar sa bansa

Posibleng mararanasan ng 33 lugar sa bansa ang mapanganib na lebel ng init ngayong araw, Abril 26.

Ayon sa PAGASA, inaasahang aabot ang heat index hanggang 47°C.

Partikular na inaasahan ito sa Dagupan City sa Pangasinan.

Posible namang aabot sa 46°C ang init sa Aparri sa Cagayan at Aborlan sa Palawan.

45°C na heat index naman ang posibleng mararamdaman sa Bacnotan La Union; Cubi Point, Subic Bay sa Olongapo City; Sangley Point sa Cavite Coron sa Palawan; at San Jose sa Occidental Mindoro.

Posible namang aabot sa 44°C ang heat index sa Laoag City; Tuguegarao City, Puerto Princesa Palawan; at Legazpi City sa Albay.

Samantala dito sa Metro Manila, inaasahan ngayong araw na aabot sa 43°C sa NAIA, Pasay City at 42°C sa Science Garden sa Quezon City.

Patuloy naman ang abiso ng PAGASA at Department of Health (DOH) sa publiko na limitahan ang paglabas ng bahay at uminom ng maraming tubig.

Una na ring sinabi ng PAGASA na patuloy na mararanasan ang mainit na panahon hanggang Mayo, habang ang magsisimula naman sa Hulyo ang El Niño.

More in National News

Latest News

To Top