Connect with us

Daraga Mayor, sinampahan na ng kasong administratibo sa Ombudsman

administratibo

National News

Daraga Mayor, sinampahan na ng kasong administratibo sa Ombudsman

SINAMPAHAN na ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng mga kasong administratibo si Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo sa tanggapan ng Ombudsman.

Kaugnay ito sa pagkakasangkot ni Mayor Baldo na umano’y mastermind sa pagpatay kay Ako Bicol Representative Rodel Batocabe.

Kabilang sa isinampang reklamo sa alkalde ay ang paglabag sa conduct prejudicial to the best interest of the service.

Kabilang sa kaso ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act dahil ghost employee umano ng munisipyo ang mga suspek sa krimen.

Una nang sinampahan ng PNP si Mayor Baldo at iba pang suspek sa krimen ng kasong double murder sa Albay Provincial Prosecutor’s Office.

Kabilang sa isinampa ang anim na bilang ng kasong frustrated murder.

Matatandang Disyembre 22 nang pagbabarilin si Batocabe kasama ng police escort nitong si SPO2 Rolando Diaz sa Daraga, Albay.

DZAR 1026

More in National News

Latest News

To Top