National News
Daraga Mayor, walang ng deputation authority sa local police
SIMULA kahapon ay wala ng deputation authority si Daraga Mayor Carlwyn Baldo.
Ito ay kinumpirma ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año.
Tinanggalan na ng kapangyarihan ang alkalde sa local police, epektibo kahapon.
Tiniyak din ito ni National Police Commission (Napolcom) Vice Chairman Rogelio Casurao.
Si Baldo ay idinidiin na nasa likod ng pagpatay kay AKO Bicol Party-List Representative Rodel Batocabe.
Kabilang sa napatay ang police aid nitong si SPO2 Orlando Diaz sa Daraga.
