Breaking News
Dating BuCor chief Bantag at deputy na si Zulueta, pinapaaresto na
Ipinaaaresto na ng hukuman sina dating Bureau of Corrections (BUCOR) Director General Gerald Quitaleg Bantag at Jail Superintendent Ricardo Soriano Zulueta.
Ito ay makaraang naglabas ng warrant of arrest si Presiding Judge Gener Gito ng Muntinlupa City branch 206 laban para sa pag-aresto kina Bantag at Zulueta na nahaharap sa kasong murder.
Ito ay kaugnay sa pagkamatay ng radio broadcaster na si Percy Lapid.
Nakasaad sa nasabing warrant of arrest na no bail o walang inilaang piyansa ang hukuman para kina Bantag at Zulueta.
