National News
Dating Budget Sec. Benjamin Diokno, muling iginiit na walang insertion sa 2019 national budget
Walang insertion sa 2019 national budget.
Ito ang binigyang-diin ni outgoing Budget Secretary at incoming Governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Benjamin Diokno sa huli niyang pulong balitaan at pamamaalam na rin sa Department of Budget and Management (DBM).
Ipinaliwanag ni Diokno na ang sinasabing insertion sa budget ay isang adjustment.
Hindi naman kinukuwestyun ni Diokno ang desisyon na itinalaga siyang BSP governor dahil hindi siya politiko.
Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Diokno bilang pinuno ng BSP noong Lunes at manunumpa ito bilang BSP governor, mamayang gabi.
Nakatakda namang magbigay ng monetary policy statement bukas si Diokno.
DZARNews