Connect with us

Dating Ch. 43 ng ABS-CBN, magiging main carrier ng SMNI – Pastor Quiboloy

Dating Ch. 43 ng ABS-CBN, magiging main carrier ng SMNI - Pastor Quiboloy

National News

Dating Ch. 43 ng ABS-CBN, magiging main carrier ng SMNI – Pastor Quiboloy

Gagawing ‘main carrier’ ng Sonshine Media Network International (SMNI) ang Channel 43 sa paghahatid ng mga makabuluhang programa.

No description available.

Ito ang inihayag ng honorary chairman ng SMNI na si Rev Dr. Pastor Apollo C. Quiboloy matapos iginawad ng National Telecommunication Commission (NTC) ang Channel 43.

“Buong sanlibutan, ito ang magiging main carrier ng Sonshine Media Network both domestic and international at sa streaming. Pero hindi mga skandalo, puro magagandang mga programa. Nakakapag build up ng moral ng tao at pagkilala sa ating dakilang ama unang-una kasi kung wala siya wala tayong magagawa dito.”

Tiniyak din ng butihing pastor sa publiko na kanyang gagamitin ang bagong frequency para sa nation building.

“Magpapalaganap ito ng magandang balita at always the focus is nation building. Para sa ikabubuti ng ating pamahalaan. Ng ating sambayanan, kapayapaan, pamilya, kalikasan at lahat ng magagandang values makikita po ninyo yan.”

Diin pa ng butihing pastor, hindi niya alam na dating channel ng Kapamilya network ang binigay ng gobyerno.

Inaasahan naman nito na marami pang frequency ang igagawad sa smni kasabay ng pagtiyak na gagamitin ito ng wasto at patas na pamamaraan.

Sa ngayon, hawak na ng Swara Sug Media Corporation ni Pastor Apollo ang digital Channel 43 ng Amcara Broadcasting Company kung saan umere ang lahat ng content noon ng ABS-CBN sa kanilang blackbox.

No description available.

More in National News

Latest News

To Top