National News
Dating CHED Exec. Dir. Julio Vitriolo, dapat suspendehin ng CHED – Ombudsman
Inatasan ni Ombudsman Samuel Martires ang Commission On Higher Education (CHED) na ipatupad ang tatlong buwang suspensyon na walang bayad kay dating CHED Executive Director Julito Vitriolo.
Ang kautusan ng Ombudsman na may petsang Oktubre 11 ay nag-ugat mula sa desisyon nito na guilty sa simple misconduct si Vitriolo matapos ireklamo ni dating CHED Chairperson Patricia Licuanan.
Sa inihaing reklamo ni Licuanan, inakusahan nito si Vitriolo na nagpalabas ng memorandum na nagrerekomenda sa CHED Region Office na mag-isyu ng provisional permit pabor sa isang pribadong paaralan.
Sa desiyon, sinabi ng Ombudsman na inisyu ni Vitriolo ang memorandum nang hindi tumutugon sa mga polisiya at alituntunin ng CHED.
Dahil wala na sa serbisyo si Vitriolo, sinabi ng Ombudsman na kailangan pa ring ipataw ang multa na katumbas ng kanyang sweldo para sa tatlong buwan.
Ang multa ay ibabayad ni Vitriolo sa tanggapan ng Ombudsman at maari itong ibawas sa tatanggapin niyang retirement benefits, leave credits o iba pang benepisyo.
![](https://dzar1026.ph/wp-content/uploads/2024/05/logo-radio-1.jpg)