National News
Dating Cong. Teves at 4 pa, pinapaaresto na
Naglabas na ng warrant of arrest ang Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 51 laban kay dating Negros Oriental Cong. Arnie Teves at 4 na iba pa dahil sa pagpatay kay dating Gov. Roel Degamo.
Pirmado ni Presiding Judge Merianthe Pacita Zuraek ang warrant of arrest laban kay Teves at iba pang kasabwat nito sa krimen.
Nakitaan ng korte ng sapat na katibayan ang kasong isinampa ng Department of Justice (DOJ) laban sa nga akusado.
Si Teves ang itinurong pangunahing utak sa pagpatay laban sa gobernador at 9 na iba pa matapos silang pagbabarilin sa bahay nito sa Negros Oriental noong Marso.
Walang pyansa na inilabas ang korte laban kina Teves at iba pang akusado.
Bukod kay Teves, ipinapaaresto din ng korte sina Angelo Palagtiw, alyas Angelu, isang Alyas Sister, Capt. Lloyd Cruz Garcia II at Nigel Electona.
