Connect with us

Dating DOJ Sec. Aguirre, maaaring mahaharap sa perjury case kaugnay sa kaso ni De Lima

Dating DOJ Sec. Aguirre, maaaring mahaharap sa perjury case kaugnay sa kaso ni De Lima

National News

Dating DOJ Sec. Aguirre, maaaring mahaharap sa perjury case kaugnay sa kaso ni De Lima

Posibleng mahaharap sa kasong perjury si dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ayon kay dating Senate President Franklin Drilon.

Kasunod ito sa temporaryong paglaya ni Leila De Lima nang pahintulutang makapagpyansa mula sa kanyang natitirang drug case sa halagang P300-K.

Sinabi ni Drilon, nauna nang sinabi ni dating Bureau of Corrections (BuCor) Director Rafael Ragos na pinilit lang sya ni Aguirre na magtestimonya laban kay De Lima hinggil sa illegal drug trade.

Ani Ragos, nakatatanggap pa siya ng banta mula kay Aguirre kung hindi ito magtestimonya laban sa dating senadora.

Dahil dito, ngayong nakapyansa na ang dating senadora, hindi malayong mahaharap na aniya ito sa kasong perjury.

Kung mapatutunayan, aabot sa 10 hanggang 12 taong pagkakakulong ang aabutin ni Aguirre batay sa batas.

More in National News

Latest News

To Top