Connect with us

Dating ES ng Aquino admin, itinangging may kinalaman sa ‘PDEA leaks’

Dating ES ng Aquino admin, itinangging may kinalaman sa ‘PDEA leaks’

National News

Dating ES ng Aquino admin, itinangging may kinalaman sa ‘PDEA leaks’

Itinanggi ni dating Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. na pinahinto niya ang 2012 anti-drug operation na target umano si dating senador at ngayoy Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Taliwas aniya ito sa sinabi ni dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Agent Jonathan Morales.

Sa impormasyon, sinasabing si First Lady Liza Araneta-Marcos, ang kanyang dating law firm partner ang nag-udyok para ipag-utos niya kay PDEA Deputy Director General Carlos Gadapan na ihinto ang nabanggit na operasyon.

Ayon kay Ochoa, wala aniya siyang alam sa naturang operasyon at hindi niya rin kilala si Gadapan.

Si Ochoa at First Lady Liza ay magkasama sa law firm na Marcos, Ochoa, Serapio, Tan law office noong 2006.

Umalis lang si Ochoa sa naturang law firm noong 2010 nang kinuha siya bilang executive secretary ng namayapang dating pangulong Noynoy Aquino.

More in National News

Latest News

To Top