National News
Dating gabinete ni FPRRD, pinadi-disbar si Atty. Harry Roque
Nanganganib na mawalan ng lisensya sa pagiging abogado si Dating Palace Spokesperson Atty. Harry Roque kasunod ng disbarment case na inihain laban sa kaniya ngayong araw sa Korte Suprema.
Ang nagsampa ng kaso ay si dating Cabinet Secretary Melvin Matibag na dati ring Executive Director ng partidong Partido Demoratiko Pilipino (PDP).
Sa kanyang petisyon sa Korte Suprema, sinabi ni Matibag na dapat tanggalan ng lisensya sa pagiging abogado si Roque kaugnay sa social media post nito sa polvoron issue.
Aniya, nagpalabas na ng bagong rules ang Korte sa dapat na i-asal ng mga abogado pagdating sa paggamit ng social media at hindi aniya tama na nagpapalabas ito ng pahayag na hindi naman beripikado.
Sa tanong naman kung ang paghahain nito ng disbarment case ay may kaugnayan sa pulitika ito ang sagot ni Matibag.
Ani Matibag, “Magkaibigan kami ni Harry Roque.”
Sa isang pahayag sinabi naman ni Roque na ang inihaing disbarment ay isang desperadong hakbang para makakuha ang atensyon.
Giit nito ang mga reklamo para sa disbarment, una sa lahat, ay hindi dapat isinasapubliko.
“The disbarment case filed against me for my social media post on the polvoronic media is a desperate act of attention.
“Complaints of disbarment, first and foremost, should NOT be made in public.”
Diin pa ng dating palace spokesperson, ang pag-post ng video sa social media ay protektado ng malayang pagsasalita.
Ito aniya ay may kinalaman sa isang seryosong karamdaman ng isang pangulo na nararapat nitong aminin o pabulaanan.
“We have to understand that the posting of the video in social media is protected by free speech under the privileged doctrine.
“It involves a serious disease of a President that deserves an admission or denial. PBBM has not done either.”
“Also, the polvoronic video is a national security matter affecting the lives and future of millions of Filipinos. The authenticity and the content of the video deserve widespread discussion.”
Pagdidiin pa ni Roque, ang dahilan kung bakit siya pinag-iinitan ng Quad Committee ay dahil sa polvoronic video ayon na rin mismo sa mga dati niyang kasama sa Kamara.