Connect with us

Dating Gov. Chavit Singson, personal na nag-sorry sa MMDA; P200-K na donasyon, inabot sa ahensya

Dating Gov. Chavit Singson, personal na nag-sorry sa MMDA; P200-K na donasyon, inabot sa ahensya

National News

Dating Gov. Chavit Singson, personal na nag-sorry sa MMDA; P200-K na donasyon, inabot sa ahensya

Personal na dumalo si dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson sa flag ceremony ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Lunes, ika-15 ng Abril.

Nag-public apology si Singson matapos suwayin ang EDSA bus lane policy noong nakaraang linggo.

“Nandito ako para humingi ng apology to show and tell to everyone of you that nobody is above the law. So bawal po ‘yun. Bawal tularan… nagrarason, nagtatago. Ako inaamin ko kasalanan ko,” ayon kay dating Ilocos Sur Governor, Chavit Singson.

Binayaran ni dating Governor Luis Chavit Singson ang tig-P5-K multa sa pagdaan sa EDSA busway ng 2 sasakyan na kasama sa kanyang convoy.

Bukod sa multa, nagbigay din si Singson ng P200-K na donasyon sa MMDA.

Sinabi ni MMDA Acting Chairman Romando Artes, mapupunta ang nasabing pera sa general funds ng ahensya.

Pero pinuna ng Civil Service Commission (CSC) ang pagtanggap ng MMDA sa donasyon at sinabing hindi raw ito puwedeng tanggapin ng ahensya.

Ayon kay CSC Commissioner Atty. Aileen Lizada, tanging ang Department of Budget and Management (DBM) lang ang puwedeng mag-deposito sa general funds ng mga ahensya ng gobyerno.

Dagdag pa ni Lizada, bawal ang pagtanggap ng pera batay sa Section 7 ng Republic Act 6713 na kilala bilang “Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.”

“I would like to stress this why? Maganda siguro ‘yung intention niya baka hindi lang po alam noong official po na mayroon tayong batas na ganito. Because try to imagine kung marami pong magva-violate and magbibigay po sila ng pera kasi nagpapasalamat dahil hinuli sila at ang gagawin ay idedeposit sa GF (General Funds). So, try to imagine there will be now another source of money coming in na dapat pong hindi. Kasi sila po ay bayad na. Mga enforcers, bayad na po sila ng tao. Bayad na po kami ang aming suweldo ng taumbayan. And you do not have to reward us for doing our work.”

“Sa pananaw ko po, I used to be with the Office of the Ombudsman sa Batas 6713 bawal po,” ayon kay Commissioner, Civil Service Commission, Atty. Aileen Lizada.

Pero paliwanag ni Artes sa isang text sa SMNI News na may income retention ang MMDA kaya puwede aniya silang tumanggap ng donasyon.

Dagdag pa ng opisyal na walang kaibahan ang P200-K ni Singson sa mga tinanggap na donasyon ng MMDA para sa Motorcycle Academy at rehabilitation project sa Pasig River.

“Sa amin pong palagay wala naman pong conflict of interest doon. So long as wala po kaming ginigive-up at walang special treatment sa kahit sino pong magdo-donate dito sa aming ahensya,” pahayag ni Atty. Romando Artes.

More in National News

Latest News

To Top