National News
Dating Health Sec. Janette Garin, kinasuhan kaugnay sa dengvaxia vaccine
Kinasuhan ng Department of Justice (DOJ) ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide si dating Health Sec. Janette Garin dahil sa pagkamatay ng mga batang naturukan ng dengvaxia.
Kasama rin sa mga kinasuhan ang 9 pang opisyal ng DOH kabilang ang mga opisyal mula sa Food and Drug Administration (FDA), Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at Sanofi Pasteur.
Ayon sa DOJ, may nakita silang sapat na batayan para isulong ang kasong paglabag sa Consumer Act of the Philipines laban sa presidente ng Sanofi dahil sa paggawa ng bakuna na may banta sa mga “seronegatives” o mga hindi pa nagkaka-dengue.
Nakasaad din sa resolusyon ng DOJ na nagkaroon ng kapabayaan sa panig ni Garin at iba pang respondents nang ipatupad ang mass immunization program.