Connect with us

Dating hepe ng PNP-Anti-Kidnapping Group, muling ibinalik sa pwesto

Dating hepe ng PNP-Anti-Kidnapping Group, muling ibinalik sa pwesto

National News

Dating hepe ng PNP-Anti-Kidnapping Group, muling ibinalik sa pwesto

Muling ibinalik sa pwesto bilang pinuno ng PNP-Anti-Kidnapping Group si Col. Elmer Esquivel Ragay epektibo nitong March 3, 2025.

Matatandaan, inirekomenda ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang pagsibak kay Col. Ragay dahil sa umanoy kwestiyunableng operasyon nito sa kaso ng dinukot na estudyante ng British School sa Maynila.

Pinagpapaliwanag ngayon ang PNP-AKG kung bakit at paano naidokumentong “rescue” ang operasyon gayong kamag-anak rin mismo ang sumagip at nakakita sa batang biktima.

Sa kabilang banda, sinasabi rin na walang abiso o basbas mula sa Commission on Election (COMELEC) ang pagsibak kay Col. Ragay gayong bahagi ng kapangyarihan ng COMELEC ang koordinasyon sa Philippine National Police (PNP) sa ahensiya bago gumawa ng anumang hakbang bilang lead agency ngayong panahon ng halalan.

More in National News

Latest News

To Top