Connect with us

Dating kadre ng makakaliwang grupo, nag-sorry sa pamilya Marcos

Dating kadre ng makakaliwang grupo, nag-sorry sa pamilya Marcos

National News

Dating kadre ng makakaliwang grupo, nag-sorry sa pamilya Marcos

Naging emosyunal si Senador Imee Marcos sa ika-50 anibersaryo ng Martial Law.

Ito ay matapos personal na humingi ng tawad si Ka Peter Mutuc, isang dating kadre ng CPP-NPA-NDF na sobra 30 taon nang nagtatago at ngayon lamang lumantad  sa publiko.

No description available.

Si Ka Peter ay naging instrumento sa pagbagsak sa administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. bilang aktibong miyembro at pinuno ng makakaliwang grupo.

“Eto ha gagawin ko ha, ang tatanda na natin, ang tatanga pa rin natin. Sabi ko hanggang ngayon we are living lives of deceit. At ‘yung mga bata patuloy pa rin na re-recruit. Napapanood ko sa SMNI ‘yung mga magulang umiiyak. Sabi niya, paano maging masaya kung ang anak mo ay nasa kabundukan. Paano kung makatatangap ako ng text na ang anak ko ay patay na? I am 73 years old. I am a senior citizen.  At this age, I have still my own problem sa mga ganyan. Dapat matigil na, pasensya na po kayo . Pasensya na po kayo,” ani Ka Peter.

Si Ka Peter ay witness sa aniya’y conspiracy na ginawa ng makakaliwang grupo at pangkat ni noo’y Senador Ninoy Aquino upang sirain ang imahe ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Makailang beses siyang pinalilitaw upang magbigay ng testimonya ngunit lagi niya itong tinatanggihan.

“Gusto kong balikan bakit ‘di ako natuloy mag-testify na pinatawag ni Sen. Salongga. Kasi kinausap si Senator Salongga. Ang bilin ni Senator Salongga during the Senate hearing ‘wag ninyong banggitin ang pangalan ni Ninoy Aquino. ‘Yan ang bilin ni President Cory. Hindi po tsismis ‘yan. May magpapatunay dito sa sinabi ko, buhay,” giit pa ng dating kadre.

Ang paghingi ng tawad ni Peter Mutoc sa pamilya Marcos ay mainit na tinanggap ni Senadora Imee.

Nagbigay pa ng bracelet ang panganay na anak ni Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa mga dating kadre ng mga NPA bilang tanda ng pagtanggap at pakikinig sa kanilang mga saloobin.

Sa kanyang speech, nais din nito na magbigay ng total amnesty para sa lahat ng mga nais magbalik loob sa pamahalaan at sa mga nagkudeta sa kanyang ama panahon ng Martial Law.

“At tulad sa sinabi ng aking ama, simulan na rin natin ang usapin ng pagpaptawad ng pamahalaan. Ngayon na ang panahon na umpisahan ang total amnesty, makakaliwa man at pati na rin ang kanang hanay na nagkudeta at iba pa. Sapagkat ang pagpapatawad ang umpisa ng pagkakaisa. Unawain natin ang isa’t isa sapagkat sa puno’t dulo ang bawat isa sa atin ay Pilipino at Pilipino lamang,” ni Sen. Imee.

Ginawa ni Senator Imee ang deklarasyon sa ika-50 anibersaryo ng Martial Law matapos ang patotoo at pahayag ng mga dating opisyal na sangkot sa Martial Law na itinanggi ang mga kwento-kwentong pinaniniwalaan ng iilan mula noon hanggang ngayon.

Kabilang sa mga naroon ay si Presidential Chief Legal Counsel Juan Ponce Enrile, dating Senador Gringo Honasan at Kit Tatad, Retired General Thompson Lantion, retired Col. Ariel Querubin at marami pang iba.

Ipinunto nila na nagdeklara ng Martial Law noon upang mapanatili ang peace and order sa bansa.

No description available.

Kaugnay sa mga pangyayari, inilahad naman ng mga dating kadre ng CPP-NPA-NDF na kasama ang mga dating miyembro ng makakaliwa na bubuo sila ng pangkat na may layuning iwasto ang mga maling impormasyon sa kasaysayan ng Martial Law.

‘Yung pagsisinungaling sa Martial Law ay isang historical distortion na kinakapital ng political opposistion at pati na ng CPP-NPA-NDF para maikubli ang historical conspiracy. ‘Yung sabwataan ng CPP NDA NDF sa isang seksyon ng oligarkiya na noon ay naging kalaban ni late Ferdinand Marcos. ‘Yun ang papel ni Ninoy Aquino,” saad naman ni Ka Eric, dating kadre ng CPP-NPA-NDF.

More in National News

Latest News

To Top