International News
Dating Mexican president, tumanggap umano ng lagay mula sa drug cartel
TUMESTIGO sa korte ang dating alagad ng bigating Mexican drug lord na si El Chapo na tumanggap umano ng lagay si dating Mexican President Peña Nieto mula dito.
Nagkakahalaga ito ng $100M o mahigit limang bilyong piso.
Kinilala ang testigong na si Alex Cifuentes na isang Colombian drug lord at dating kanang-kamay ni El Chapo.
Si Nieto ay nagsilbing presidente ng Mexico mula taong 2012 hanggang 2018.
Habang si Joaquin “El Chapo” Guzman ang itinuturong lider ng Sinaloa Cartel na isa sa pinakamalaking sindikato ng droga sa buong mundo.
Nauna nang itinanggi ni Nieto na wala siyang kinalaman sa nasabing korapsyon habang wala pa itong komento sa panibagong akusasyon laban sa kanya.